Matagal ko nang gustong matutong magluto pero lagi kong hinahayaang magulang ko at mga bunsong kapatid na babae ang gumawa noon. Paano mas masarap pa rin kumain. Pero ngayon, gusto ko na ring matuto lalo't may sarili na akong pamilya. Panay prito na lang kasi lagi ang niluluto ni Misis, at hindi rin siya mahilig sa gulay gulay. Ang blog na ito ay magsisilbing cheatsheet ko sa pagluluto. Madaming recipe sa internet pero may kanya kanya tayong panlasa. Habang hindi pa ako expert, dito ko muna ilalagay ang mga modifications ko sa mga nakita kong recipe.
No comments:
Post a Comment